TERRAFIRMA, BIGO KONTRA ALASKA


BIGO pa rin na makapagtala ng kanilang unang panalo ang Terrafirma Dyip matapos na muling yumukod sa kanilang laban sa Alaska Aces, 99-96 sa pagpapatuloy ng 2020 Honda PBA Philippine Cup.


Bagama’t nagpamalas ng magandang performance ang buong koponan ng Terrafirma kung saan nakapagtala sila ng 13 3point shot at nakipagsabayan sila sa mahigpit na depensa sa second quarter at malayang palitan ng basket sa ikatlong yugto ay hindi pa rin nila nagawang matangay ang mailap na panalo.

Nagkaroon pa ng konting pag-asa ang Dyip matapos na ma-eject sa laro si Rodney Brondial makaraan na magkaroon ng konting aksyon sa pagitan nila ni Juami Tiongson may 33 segundo pa sa third quarter.
Sa pagpasok ng fourth quarter ay naging mas mahigpit ang pagpapalitan ng kalaamangan ng dalawang team hanggang sa pinakahuling mga minuto ng laro.


Mula sa 93-all may 4:01 pa sa orasan  nakapagdagdag ng tig-isang field goal sina Vic Manuel at Jvee Casio na sinagot ng Terrafirma ng isang three point shot sa kanilang pagitan upang makuha ang abante ng Alaska sa 97-96.


Sa mga sumunod na play ay nagkaroon ng paulit-ulit na chance ang Terrafirma sa opensa subali’t nagmintis lahat ang kanilang mga tira sa halos huling dalawang minuto ng laro kung saan hanggang sa huling 8.7 segundo ay nabigyan pa sila ng pagkakataon na makatira ng isang 3 point shot na panabla subalit bigo pa rin na maipasok nila para sa overtime. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *