VIDEO NG JACK EN POY AT ROCK PAPER SCISSORS NA LARO NINA BOSSING AT TALI KINAGIGILIWAN

ISANG video na naman ang kinagigiliwang panoorin hindi lamang ng mga netizens kundi pati na ang ilang celebrities, ito ay matapos i-upload ni Eat Bulaga host Pauleen Luna-Sotto ang video ng kanyang mag-amang sina Bossing Vic Sotto at anak na si Tali.

Matutunghayan sa nasabing post ni Poleng sa kanyang Instagram account ang paglalaro nila Bosing at Tali ng “Jack en Poy” o “rock paper scissors.”

Kitang kita ang pagiging cute at bibo ng bata na nakikipaglaro sa kanyang ama kaya naman umani ito ng magagandang komento mula sa kilalang personalidad at mga ordinaryong tao.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *