ZAMBOANGA CITY, TINANGHAL NA 2020 CHOOKS-TO-GO PILIPINAS 3 X 3 PRESIDENT’S CUP CHAMPION

Zamboanga City wins another Chooks 3x3 leg | Inquirer Sports

TINANGHAL na kampeon sa katatapos na 2020 Chooks-to-Go Pilipinas 3 x 3 President’s Cup ang koponan ng Zamboanga City makaraang payukurin ang tropa ng mga magbibigas na na Nueva Ecija Rice Vanguards sa iskor na 22-19.

Tumataginting na P1 million ang natanggap ng grupo ng Zamboanga City bukod pa sa titulo bilang pinakamahusay na 3 x 3 basketball team ngayon sa bansa.

Nanguna sa kanilang pinakamahalagang panalo sa torneo sina Alvin Pasaol at Joshua Munzon na nagpalitan sa pagpuslit ng kanilang opensa sa pagmasaker sa Rice Vanguards kung saan nakapagtala ang mga ito ng pinagsamang 14 puntos na produksyon sa kabuuan ng laro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *