WIMBLEDON CHAMP SIMONA HALEP NAGPOSITIBO SA COVID-19


ANG  kampeon ng WIMBLEDON na si Simona Halep ay nagpositibo sa COVID-19 at mayroong “mild symptoms.”

Ayos sa Twitter ng 29-taong-gulang na Romanian player na siya ay nag-iisa sa bahay at unti unting nakaka-recover sa mild sypmtoms.

dagdag pa niya, “I feel good… we will get through this together.”

Si Halep ay may ranggo bilang No. 2 sa buong mundo. Nanalo siya sa Wimbledon noong 2019 at ang French Open noong 2018. Nakansela ang Wimbledon ngayong taon dahil sa pandemya.

Nilaktawan ni Halep ang U.S. Open dahil sa takot na mahawa ng COVID-19. Sinabi niya noong Agosto na mas gusto niya na manatili at magsanay sa Europa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *