BILANG NG NASAWI NA BIKTIMA NG SUPER TYPHOON ROLLY SA BICOL REGION UMABOT NA SA SAMPU KATAO

7 dead in Albay, 390,000 displaced in Bicol due to Typhoon Rolly
10 reported dead in 'Rolly' onslaught | Latest | Daily Tribune
Typhoon 'Rolly' death toll rises to 7 - OCD - Manila Bulletin
1 dead due to 'Tisoy' in Camarines Sur

BAGAMA’T hindi pa nakapaglalabas ng opisyal na bilang ng mga nasawi at nawawala sanhi ng paghagupit kahapon ng Super Typhoon Rolly, umaabot na sa sampu katao ang bilang ng mga naitalang namatay mula sa Southern Luzon partikular sa Bicol Region habang tatlo katao naman ang naiulat na nawawala.

Batay sa impormasyon mula sa Region 5 ay siyam ang mga nasawing biktima mula sa lalawigan ng Albay at ang isa pa ay mula naman sa Catanduanes na sinasabing posibleng madagdagan pa ang bilang kapag nakapagbigay na ng kani-kanilang mga ulat ang ilan pang mga lugar sa kabikulan na sinalanta ng itinuturing ngayon na pinakamalakas na bagyong tumama sa mundo sa taong ito na Super typhoon Rolly.

Sa kasalukuyan ay hinihintay pa rin ang isusumiteng ulat mula sa mga lalawigan ng Sorsogon, Masbate, Camarines Norte at Camarines Sur na labis ding naapektuhan ng pananagasa ng hangin at ulan na taglay ng nabanggit na bagyo.

Umabot naman sa humigit kumulang 420,000 katao ang inilikas mula sa iba’t ibang lugar sa rehiyon kung saan ay karamuhan sa kanila ay pawang nananatili pa rin sa mga evacuation centers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *