MGA SMUGGLED NA SECOND HAND LUXURY CARS NASABAT NG MICP

HINDI nakalusot sa mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Manila International Container Port (MICP) ang tangkang pagpupuslit ng mga second hand na luxury cars na nakadeklara bilang mga furnitures at naharang apat na araw matapos na dumating ang kargamento.

Ang nabanggit na mga kargamento ay dumating sa bansa ayon sa BOC noong Oktubre 16, 2020 kung saan idineklara na mga kagamitan sa bahay ng Blue Core Enterprises.

Natuklasan lamang umano na pawang mga smuggled na segunda manong sasakyan ang laman ng container van matapos na isailalim ito sa profiling at physical examination kung saan tinatayang aabot ang halaga ng mga ito sa P20 milyon na kinabibilangan ng Porsche Sportscar, Mercedes Benz Sportscar,half-cut Volkswagen at Bentley Luxury Car.

Ang mga nabanggit na luxury cars ay agad na inisyuhan ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) ni District Collector Romeo Allan Rosales.

Dahil dito ay isinasagawa ang imbestigasyon sa mga taong responsable sa pag-import nito at kung mapapatunayan ang pagkakasangkot sa kontrabando ay posibleng masampahan ng kasong paglabag sa Section 1400 na nauugnay sa Section 1113 ng Republic Act RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) na nagbabawal ng pag-aangkat ng mga second hand na sasakyan.

” In his statement, Collector Rosales reiterated that the MICP remains committed in preventing the illegal entry into the country. Through the guidance of BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, the port shall continue enforcing  measures which shall protect the borders of it’s territories, ” ayon sa BOC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *