MENSAHE NI COCO MARTIN SA KANYANG MGA FANS SA KANYANG BDAY

ISANG mensahe ng pag-asa at pasasalamat ang ibinigay ni Coco Martin sa lahat ng kanyang mga tagahanga sa araw ng kanyang kaarawan.

Kinilala ng aktor ang beteranang aktres na si Susan Roces sa kanyang mensahe

“Gusto ko po sanang ibigay ang respeto at tribute na ito para kay Tita Susan. Sa gitna ng pagsubok at pandemya na pinagdadaanan namin ngayon, hindi po siya nagparamdam na iiwan niya kami. Kahit ngayon, gumawa po siya ng paraan para makapag-taping kahit na nandoon lang siya sa bahay niya,”

“Siya po ang tumatayo naming ina, lola, ang puso ng buong ‘Ang Probinsyano,'”

“Sa pagbuo ng teleserye ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano,’ napakarami niyang kuwento at pagsubok na puwedeng i-share sa mga tao. Napakaraming beses na maraming naaksidente, kahit ako po. Ika nga laging kasabihan namin sa show, kahit buhay namin binubuwis namin mapaganda lang namin ang programa namin,” ayon kay Coco.

Binanggit din ng Kapamilya aktor na pabubutihin pa nila ang nasabing programa upang makapagbigay inspirasyon sa mga tumatangkilik nito.

“Hindi po kami susuko. Sabi nga namin tuloy ang laban. Kung ito ang maisusukli namin para sa inyo na mabigyan kayo ng magandang palabas at makapagbigay kami ng inspirasyon sa inyo, ibibigay po namin sa inyo ito at sisiguraduhin namin na hindi po namin kayo bibiguin,”

“Kaya maraming-maraming salamat po at mahal na mahal namin kayo. Anumang pagsubok ay ating malalampasan, tuloy ang laban, mga Kapamilya,” pagtatapos niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *