SINUNGKIT ng Tropang GIGA ang kauna-unahang pwesto sa playoff sa 2020 PBA Philippine Cup matapos ilampaso ang NorthPort Batang Pier sa iskor na 112-87 sa ikaltong laro ngayong gabi na ginanap sa AUF Sports Arena.
Matapos buksan ang laro 9-0, hindi na nagpaawat ang TROPA at kinontrol ang laro upang makamit ang ikaanim na panalo sa pitong pagsubok.
Ito rin ay maituturing na isang pagbangon sa koponan matapos na matalo sa kanilang huling laban kontra sa NLEX Road Warriors.
Walang alinlangan na ang laro ay dinomina ng TNT matapos pangunahan ang laro mula sa tip-off hanggang sa huling buzzer.
Muling hinirang na player of the game si Bobby Ray Parks, Jr. na nagtala ng double-double 22 points at 10 rebounds.
Sa kabilang banda bumagsak ang koponan ng NorthPort sa team standing na may record na 1-5 panalo talo.