WRIGHT, ABUEVA, 3 PA, BINUHAT ANG PHOENIX KONTRA TERRAFIRMA


PBA News: Phoenix vs Terrafirma: Abueva triple-double lifts Fuel Masters
PBA News: Phoenix vs Terrafirma: Abueva triple-double lifts Fuel Masters

BUMATO ng maiinit na buslo si Matthew Wright, nagtala ng triple-double ang nagbabalik na si Calvin Abueva at tatlo pang kakampi ang umiskor ng double digit upang maibahura ng Phoenix Super LPG ang inaalat na Terrafirma Dyip sa iskor na 116-94 panalo sa ikalawang laro ng kauna-unahang quadruple-header ng PBA sa Philippine Cup na ginanap ngayon araw ng Martes sa Angeles University Foundation Sports Arena at Cultural Center.

Matapos ang mabagal na pagsisimula sa unang yugto at matambakan 11 puntos, nag-init ang Phoenix sa pangalawa at pangatlong yugto ng laro bago patuloy na umalagwa sa pinakahuling yugto ng laro upang makabalik sa winning track at magtala ng 5-3 sa standings.

Si Wright, ang nangungunang scorer ng liga sa kumperensyang ito, ay nagpakita ng isa pang kahanga-hangang performance sa pamamagitan ng pagbigay ng 33 puntos sa 13-for-21 shooting kasama na ang anim na tres upang pangunahan ang Fuel Masters sa double digit scoring. Nagtala din siya sa apat na rebound, anim na assist at limang steal.

Nag-ambag din sina RJ Jazul ng 16 na puntos, Brian Heruela at Jason Perkins na may tig 14 puntos, idagdag pa ang nagawa ni Abueva na nagtapos ng triple-double of 12 points, 10 boards and 10 assists.

Lamang ng tatlo ang Phoenix sa unang bahagi ng ikatlong yugto bago nito ilampaso ang Dyip ng magtala sila 25-8 run ng mga sumunod na minuto upang makamit ang 86-66 kalamangan. Ang koponan ay gumawa ng 11-of-16 shooting (68.8 porsyento) sa panahong iyon.

Pinanatili ng Fuel Masters ang kanilang paa sa gas sa pang-apat na yugto kung saan sila nagtala ng 12-2 run kasama ang isang tres ni Wright upang magtala ng malaking 29 puntos na kalamangan 112-83.

Sa kabilang banada pinangunahan ni CJ Perez ang Terrafirma matapos mag-ambag ng 32 puntos, 9 rebounds, f5 assists and 5 steals.

Nananatiling winless at nasa ibaba ng standings ang Dyip matapos ang anim na laro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *