HOTSHOTS, INISAHAN ANG TNT

NAPAGLABANAN ng Magnolia Hotshots ang mainit na paghahabol ng Tropang GIGA sa fourth quarter kung saan muntik na naman silang magkulapso subalit nakabalik at nakamit ang kanilang ikatlong panalo sa pitong laban, 102-93 sa pagpapatuloy ng aksyon sa PBA Philippine Cup sa Angeles University Foundation Gym sa Pampanga.

Bagama’t magaang na nakuha ng Hotshots ang kanilang panalo sa nalalabing dalawang minuto ng laro kung saan napanatili nila ang mahigpit na paghawak sa sampung puntos na kalamangan, dumaan muna sila sa mahigpit na pagsubok kung saan nagawang makalapit ng TNT sa isang puntos na agwat, 81-82 6:59 sa orasan,matapos na makalamang sila ng 18 puntos.

Subalit dahil sa mainit na kamay ni Paul Lee at magandang galaw ng opensa ng Hotshots ay nawalan ng saysay ang pagsusumikap ng TNT na muling makadikit sa laban.

Tinanghal na best player of the game si Paul Lee sa kanyang 24 points, 4 rebounds at 4 assists.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *