ROAD WARRIORS, NALAGPASAN ANG RAIN OR SHINE

PBA News: NLEX vs Rain or Shine: Road Warriors score back-to-back wins

HUMUGOT ng 12 puntos si Jericho Cruz sa fourth quarter mula sa kabuuan niyang iskor na 17 puntos upang tulungan ang NLEX Road Warriors na magwagi kontra sa Rain Or Shine, 94-74 sa unang laro ngayon sa pagpapatuloy ng 2020 Honda PBA Philippine Cup sa AUF Syadium sa Pampanga.

Mula sa 57-64, pabor sa NLEX sa pagsisimula ng fourth quarter, nagpaulan ng dalawang magkasunod na three point shots at 2 magkasunod na field goal si Cruz upang makalayo sa 77-66 kasama ang isang split sa free throw.

Mula sa paglayo ng NLEX ay hindi na nakadikit pa ang Elasto Painters na lalo pang nabaon nang maipasok ni JR Quinahan ang isa pang triple para sa 13 puntos na agwat, 84-71, 2 : 57 na lamang sa orasan.

Magaang na kinuha ng Road Warriors ang panalo sa dulong bahagi ng pinal na yugto kung saan umalagwa ang mga ito sa 20 puntos na kalamangan sa pagtatapos ng bakbakan.

Tinanghal na best player of the game si Jericho Cruz sa 17 points at 5 rebounds na kanyang kontribusyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *