APRIL BOY REGINO PUMANAW NA

Life goes on for April Boy despite health condition | ABS-CBN News

“This day is so sad.. my brother April Boy is gone.” post ni Vingo Regino isa sa mga kapatid ng sikat na pinoy singer, pinoy jukebox king at itinuturing na music icon na si April Boy Regino.

Si April boy ay pumanaw sa edad na 51 anyos at inulila ang kanyang asawa na si Madel, ang anak na si JC Regino at anak na babae na si Charmeine.

Ang mga kapatid niya na sina Vingo at Jimmy ay una niyang nakasama bilang isang grupo bago sila naghiwalay.

SI JC Regino ay nag-post ng picture ng isang may sinding kandila sa kanyang Facebook Page at sa kanyang instagram page ay isinulat niya sa kanyang bio ” Music doesn’t lie..If there is something to be changed in this world,then it can only happen through music.”

Ang kanyang anak na babae na si Charmeine ay gumawa rin ng emotional post sa kanyang Facebook account.

Matatandaan na nagdesisyon si April Boy na huminto sa showbusiness noong panahon na kasalukuyan siyang nakikipaglaban sa prostate cancer may anim na taon na ang nakakalipas.

Una nang na-diagnose sa sakit si April Boy noong taong 2009 at noong taong 2015 ay inihayag niya mismo sa publiko na nabulag ang kanyang kaliwang mata matapos na ma-diagnose naman na may diabetic retinophy.

Ayon sa Billboard Magazine, bumenta ng 120,000 units ng kanyang album na The Heart is Crying noong 1996 at naging triple platinum pa ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *