GIN KINGS, WAGI SA OVERTIME SA GAME ONE

NAPAGWAGIAN ng Barangay Ginebra ang unang laro sa kanilang PBA Philippine Cup best-of-seven finals series kontra TNT Tropang Giga, 100-94 subalit kinailangan pa rin nilang paghirapan ito sa pamamagitan ng overtime.

Matapos ang see-saw battle sa dulong bahagi ng fourth quarter kung saan paulit-ulit na nagpalitan ng kalamangan ang Gin Kings at Tropang Giga, nakuha ng Ginebra ang apat na puntos na kalamangan 86-82, dalawang minuto pa ang natitira sa orasan.

Mula doon ay naghilog ng nakakagulat na 3 triple ang TNT, dalawa mula kay Jay Wahington at isa galing kay Jayson Castro na sinagot lang isang field goal ni Stanley Pringle para sa gahoblang 91-90 pabor sa TNT, 36.6 segundo na lamang.

Isang split free throw ni Bobby Ray Parks Jr. mula sa foul ni Pringle ang nagbigay ng 2 points na abante ng Tropang Giga 12. 2 segundo pa sa laban.

Naitabla ng isang tira ni Arvin Tolentino ang iskor sa 92-all 5 segundo na lamang ang nalalabi at nagwakas sa isang sablay na 7-foot na jump shot ni Castro sa kabilang goal.

Naging maluwag na para sa tropa ni coach Tim Cone ang sumunod na mga eksena sa overtime kung saan sinamantala nila ang tila pagkataranta ng TNT sa pagsisimula ng extention.

Maagang kinuha ng Ginebra ang trangko sa 96-92 sa pagbubukas ng 5 minute exrension na napalobo pa hanggang 6 na puntos na kalamangan, 100-94, matapos ang isang dunk ni Japhet Aguilar, 17 segundo patungo sa katapusan.

Tinanghal na best player of the game si Aguilar sa kanyang 25 points at 16 rebounds.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *