KOREA, NATAKOT SA GILAS KAYA UMATRAS?

HINDI NA matutuloy ang laban ng Gilas kontra Korea matapos na kanselahin ang kanilang nakatakdang paghaharap para sa FIBA Asia Cup qualifiers na idinaras sa Manama, Bahrain sa pamamagitan ng isang bubble.

Ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), hanggang ngayon ay wala pang malinaw na tugon ang FIBA at ang kanilang desisyon tungkol sa pagkansela sa labang ito.  

Sinabi ni SBP president Al Panlilio na hindi pa sila nakakatanggap ng anumang statement mula sa FIBA kaugnay dito maliban sa paghayag ng federation na huwag na lang magpadala ng koponan sa qualifiers dahil sa pandemya.

“I think Fiba will decide on that after the window,”ani Panlilio.

“They haven’t told us anything except ‘yung calendar and we will play Thailand lang. They wanted us to play Indonesia actually but sabi lang namin, we are just following competition schedule. We were really supposed to play them in February so we’d rather play them in February instead,” wika pa niya.

Hindi umano nais ng SBP na maghayag ng anumang statement o ispekulasyon tungkol sa kung ano ang magiging pinal na desisyon ng FIBA ukol dito dahil naiinindihan umano nila na hindi normal ang sitwasyon.

“Again, it’s Fiba’s decision but technically, from any tournament, kapag may scheduled game, kapag hindi sumipot ‘yung kalaban, jumpball, score two points, and then forfeit. Normally ganyan. I think Fiba is looking at the bigger picture. A lot of teams are affected. Very unusual times kasi. Hindi naman ito regular time na hindi sila nakarating. There’s a real reason for the pandemic.”

Matatandaan na tinambakan ng Gilas na binubuo ng mga batang manlalaro ang koponan ng Thailand  noong Biyernes 93-61 kung kaya’t nagtabla ang Korea at Pilipinas sa Group standings at mahalaga ang laban nilang dalawa dahil ang 2 top teams  lang ang uusad sa kumpetisyon sa 2021 mula sa anim na group.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *