NIGHT MARKET SA ROXAS BOULEVARD SA PASAY, TAWAG-PANSIN

TAWAG-PANSIN sa mga nagdaraang mga tao ang nakakaakit na night market na matatagpuan sa service road ng Roxas Boulevard sa Pasay City.

Ang nabanggit na night market ay pinahintulutan ng pamahalaang lungsod ng Pasay upang magkaroon naman ng mapagkakakitaan ang mga manininda na pinalayas noon sa may Taft Avenue.  

Kaugnay nito ay tiniyak naman ni Mayor Emi Calixto Rubiano na magpapairal ng mahigpit na minimum health and safety protocols upang maiwasan ang pagkalat at hawahan ng COVID-19 sa mga mamimimili at mga tindera.

Ang pagbubukas ng nabanggit na tyangge ay upang mapagbigyan ang kahilingan na makapaghanapbuhay  ang mga nagtitinda sa ilalim at paligid ng Baclaran LRT station sa Taft Avenue na pinaalis dahil sa anti-obstruction operation ng MMDA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *