THAILAND DINALAWAHAN NG GILAS PILIPINAS

NAGPAMALAS ng pambihirang bangis sa kanilang shooting ang Gilas Pilipinas at ipinatikim sa koponan ng Thailand ang kanilang ikalawang pagkatalo, 93-69 sa FIBA Asia Cup 2021 qualifiers sa Manama, Bahrain.

Sa pagsisimula pa lamang ng laro ay agad nang umalagwa ang Gilas Cadet at nilamangan ng 11 puntos ang kalaban bago nagawang makahabol ng Thailand sa pagpasok ng second quarter.

Subalit ang matutulis na three point shot at fastbreak ang kumitil sa Thailanders kung saan nagawa pang makalamang ng Gilas hanggang 28 puntos.

Dahil sa panalo ng Gilas, hawak nila ngayon ang 3-0 win-loss card matapos na maipanalo ang lahat ng kanilang laro habang ito naman ang ikaapat na pagkabigo ng Thailand na natalo sa lahat ng kanilang qualifying games.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *