VHONG AT WIFE NA SI TANYA NAG-CELEBRATE NG 1ST WEDDING ANNIVERSARY

NAG-CELEBRATE ang Kapamilya star na si Vhong Navarro at asawa niyang si Tanya Winona Bautista ng kanilang first wedding anniversary sa pamamagitan ng isang dinner date. 

“Ayun! Nakapag-date din sa wakas!” post ng actor/tv host ngayong Navarro Sunday.

Si Tanya ay nag-post ng katulad na picture sa kanyang instagram account  at nagsabing, “1 year na. Good job tayo! I love you so much!” 

Nagpakasal ang dalawa noong November 28 sa Kyoto, Japan na sinaksihan ng kanilang pamilya, mga kaibigan at kasamahan sa industriya  matapos ang may isang dekadang pagsasama.

Unang nagkakilala ang dalawa sa set ng pelikula ni Vhong noong 2008 ang My Only U kung saan isa sa mga writer si Tanya. 

“Napakasuwerte ko na si Tanya ‘yung girlfriend ko,”wika noon ni Vhong sa isang interview sa “Magandang Buhay.” “Ilang bagyo na ang dumating, pero pinapatibay kami ng panahon. Sa lahat ng pinagdaanan ko sa buhay, hindi ako iniwan niyan,” masayang pahayag ni Vhong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *