MAYOR PEREZ NG LOS BANOS LAGUNA PATAY SA PAMAMARIL

 Binaril sa loob ng municipal hall ang butihing alkalde ng Los Baños Laguna na si Mayor Caesar Perez at nasawi habang nilalapatan ng lunas sa HealthServ Medical Hospital ng nabanggit na bayan.

Ayon sa Los Baños Police ang nasabing alkalde ay binaril dakong alas-8:45 ng gabi.

Si Perez, dating bise gobernador ng lalawigan ng Laguna ay pinaputukan ng hindi pa nakikilalang mga suspek habang naglalakad patungo sa receiving area ng municipal hall.

Dalawang beses siyang natamaan sa likod ng kanyang ulo.

Si Perez ay kabilang sa 46 na “narco politician” na pinangalanan noon  na humarap sa mga reklamo na inihain laban sa kanya ng Department of the Interior and Local Government taong 2019.

Kinondena naman ni Governor Ramil Hernandez ang ginawang pagpatay kay Perez at iniutos ang masusing imbestigasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *