TROPANG GIGA,BINASAG ANG GINS SA GAME 3

DINOMINA ng TNT Tropang Giga ang huling tatlong yugto ng Game 3 at tinambakan ng 22 puntos sa huling mga minuto ng fourth quarter ang Barangay Ginebra upang kunin ang una nilang panalo sa 2020 PBA Philippine Cup best-of-seven finals series sa Angeles University Foundation sa Pampanga.

Nagawang makalamang ng 15 puntos ng TNT, 49-34, 10:24 sa pagsisimula ng second half na muling hinabol ng Gins subalit lumalayo ang Tropang Giga sa tuwing sila ay dumidikit at tinapos ang third quarter ng may sampung puntos na abante.

Muling lomobo ang lamang ng TNT sa pagbubukas ng fourth quarter mula sa dalawang magkasunod na field goal ni Jayson Castro at 2 puntos galing kay Troy Rosario para sa 72-58 mahigit siyam na minuto sa orasan.

Buhat doon ay hindi na nilingon pa ng TNT ang Ginebra at pinaabot pa ang kanilang abante sa 22 puntos, 88-66, 1:15 ang nalalabing oras sa laban.

Dahil sa panalo ng Tropang Giga, hawak nila ngayon ang 1-2 panalo-talong baraha at may tsansa sila na maitabla ang serye sa Game 4 sa Linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *