ARJO ATAYDE UNANG AKTOR NA PINOY NA NAGKAMIT NG BEST ACTOR TROPHY SA ASIAN ACADEMY CREATIVE AWARDS

ANG hindi pa nangyari ay nagawa ni Arjo Atayde at naiukit niya ang sariling pangalan bilang unang pinoy na  nagawaran ng Best Actor Trophy sa katatapos lamang na Asian Academy Creative awards 2020.

Siyam na mahuhusay na aktor ang tinalo ni Arjo na kalahok sa nabanggit na gawad parangal na nagmula sa iba’t ibang mga bansa tulad ng Singapore, Thailand, Taiwan, Myanmar, Malaysia, India, Indonesia, China at Hongkong dahil sa kanyang napakahusay na pagganap sa karakter na Benjie para sa socio-political action drama series na “BAGMAN.” 

Ayon sa bumubuo ng nabanggit na organisasyon ang pambihirang panalo ni Arjo bilang unang pinoy na nakasungkit nito ay hindi nakakagulat dahil nagampanan niya ng higit sa inaasahan o lampas pa ang kanyang karakter sa serye.

Pinasalamatan ng aktor ang ABS-CBN, ang kanyang pamilya, mga supporters at maging ang writer/director ng Bagman na si Shugo Praico.H

Arjo made special mention of “Bagman” writer and director Shugo Praico.

“Thank you so much, I rode your imagination, you brought me here,” Wika ni Arjo bilang pagpapahayag ng kanyang matinding pasasalamat sa  Asian Academy Creative Awards dahil sa pagpupursige nila na ituloy ang parangal sa gitna ng pandemya.

“This means so much to me, to everyone else, to every actor who’s existed tonight and showed their brilliance, their art — that we love the same thing. We’re just here doing the same thing and it’s a dream come true, man,” dagdag pa niya.“I’m not just one of the actors in the Philippines, they’re a lot of brilliant actors and I just hope to do more for them, to be able to show you even more of what we have in our country. And I hope this is not the first and last, I hope this is the beginning for everything. Thank you so much.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *