2 KILO NG SHABU WORTH P15.8 M, NASABAT SA TAGUIG

NASABAT ng pinagsanib ng operatiba ng PDEA RO-NCR at Southern Police District ng Taguig City ang mahigit na dalawang kilo ng hinihinalang SHABU sa isang drug buy-buy operation sa Taguig City.

Dalawang suspek sa naturang operasyon ay kinilalang sina MELANIE AGUILAR, 35 at JEFFREY DEMATERA, 31.

Tinatayang nasa P15.8 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa operasyong isinagawa sa dakong 4:30 ng hapon Mayo 15 sa isang parking lot s Sunshine Mall sa Taguig City.

Ang mga naaresto ay mahaharap sa kasong violation of sections 5 and 11 , Art II, RA9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *