JAZZ TINAPOS ANG REGULAR SEASON BILANG NUMBER ONE

Utah Jazz v Sacramento Kings

ANG Utah Jazz ay naglaro na parang inaantok sa pagbubukas ng first quarter sa kanilang huling laro sa regular season kontra Sacramento Kings bago biglang nagising at matapos na malamangan ng 12 puntos ay biglang bumangon at dinurog ang oposisyon, 121-99 upang tanghalin na #1 seed sa liga.

Walang puwedeng itapon sa kahit na sinong Jazz player na tumapak sa hardcourt at ito ay isang banta at paalala sa susunod nilang makaharap sa playoff na hindi sila nagbibiro sa season na ito.

Ang alas na si Mike Conley ay nakapagtala ng 9 assists sa loob lamang 21 minuto at pumukol ng 3/3 mula sa rainbow territory.

Ang mabangis na Fil-Am na si Jordan Clarkson na basta na lang tumitira nang parang di sumisipat ay naglista ng 11/20 from the field at pumukol ng 6 out of 12 mula sa three point area at pinangunahan ang kanyang koponan sa naiambag na 33 points.

Si Clarkson ang sinasabing pinakamalakas na contender para sa taong ito bilang sixth man of the year.

Ang Jazz ay nakapag-angat ng pinakamataas na kalamangang 29 puntos, 90-61, 3:23 pa sa third quarter at hindi na nilingon pa ang Kings.

Ang damage na ginawang ito ng Jazz ay naganap habang ang kanilang pambato na si Donovan Mitchell ay nagpapahinga.

Inisahan naman ng Oklahoma City Thunder ang Los Angeles Clippers, 117-112 at ang Dallas Mavericks ay ibinaon ng Minnesota Timberwolves, 136-121.

Nagtala namang muli ng isa pang panalo ang Los Angeles Lakers kontra New Orleans Pelicans, 110-98 ; wagi rin ang Portland TrailBlazers laban sa Denver Nuggets, 132-116 at ang Chicago Bulls ay namayani sa Milwaukee Bucks, 118-112.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *