LAKERS AT WARRIORS, MATIRA ANG MATIBAY!

NBA regular-season finale: Lakers and Warriors to meet in play-in  tournament; Nets clinch No. 2 seed in East - CBSSports.com
Final score: Steph Curry and Warriors beat Lakers 115-113 - Golden State Of  Mind

ANG defending champion na Los Angeles Lakers na ibinaon ng magkakasunod na talo sanhi ng pagkakaroon ng injuries ng kanilang mga ace player sa kalagitnaan ng regular season at ngayon ay namimiligrong mapatalsik sa kontensyon ay kailangang dumaan sa ibabaw ng Golden State Warriors at talunin ito para manatiling buhay ang pag-asang makasabit pa sa NBA playoffs.

Magtatagpo ang landas ng Lakers at Warriors sa Huwebes sa isang play-in round sa Western Conference sa darating na araw ng Huwebes para sa isang do-or die game.

Sa ilalim ng bagong patakaran ngayon sa NBA, ang top six na koponan sa Western at Eastern Conference ay awtomatikong papasok sa playoffs habang ang mga team na nasa number 6 hanggang number 10 ang maglalaban kung sino ang dalawa pang teams na papasok para makumpleto ang mga pares na maghaharap.

Ang Memphis Grizzlies at San Antonio Spurs ay magbabakbakan din sa play-in habang haharapin din ng Portland TrailBlazers ang Denver Nuggets para sa Western Conference playoffs.

Nakatakda ring magharap ang Los Angeles Clippers at Dallas Mavericks.

Ang Utah Jazz na nasa unahan ng team standings ang makikipagtuos sa magwawagi sa 8th seed habang aabangan naman ng Phoenix Suns kung sino ang magwawagi sa pagitan ng Lakers at Warriors.

Ang Eastern Conference playoffs  ay paiinitin ng return match ng Miami Heat at Milwaukee Bucks na nagharap noong nakalipas na taon na pinagwagian ng una habang ang Atlanta Hawks at New York Knicks ang magbabangaan sa isa pang pares ng playoffs.

Ang dalawang nangungunang koponan sa EC na Philadelphia 76ers at Brooklyn Nets ay waiting naman sa mga magwawagi sa ikinasang play-in rounds sa pagitan ng Indiana Pacers (9) at Charlotte Hornets (10) gayundin sa laban naman ng Washington Wizards (8) at Boston Celtics (7).

Babanggain ng Sixers ang magwawagi sa laro ng Hornets at Pacers habang ang wagi sa labanan ng Wizards at Celtics ang haharaapin ng Brooklyn.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *