MISS MEXICO ANDREA MEZA, TINANGHAL NA 2020 MS. UNIVERSE

KINORONAHAN bilang 2020 Miss Universe si Miss Mexico Andrea Meza na ginanap sa Hollywood, Florida.

Tinanghal naman bilang first runner-up ang kandidata mulasa bansang Brazil na si Julia Gama, second runner-up si Miss Peru Janick Maceta, third runner-up si Miss Adline Castelino ng India at fourth runner-up si Miss Dominican Republic Kimberly Jimenez.

Mula sa kabuuang 74 na kalahok para sa nabanggit na prestihiyosong beauty pageant para sa taong ito ay mapalad na nakasama ang pambato ng Pilipinas na si Ms. Rabiya Mateo subalit nabigo siya na makasama sa Top ten finalists na kinabibilangan nina Miss Jamaica Miqueal-Symone Williams, Miss Dominican Republic Kimberly Jimenez, Miss India Adline Castelino, Miss Peru Janick Maceta, Miss Australia Maria Thattil, Miss Puerto Rico Estefania Soto, Miss Thailand Amanda Obdam, Miss Costa Rica Ivonne Cerdas, Miss Mexico Andrea Meza at Miss Brazil Julia Gama.

Mula sa sampung napiling kalahok ay pinili ang lima kung saan mapalad na nagwagi ang pambato ng bansang Mexico na si Andrea Meza.

Ang tinanghal naman na huling Miss Universe bago pa ang COVID-19 pandemic na si Miss South Africa Zozibini Tunzi ang naitala sa kasaysayan ng kompetisyon bilang longest reigning Miss Universe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *