NEGOSYANTE SA MAYNILA PATAY SA PANANAMBANG

PATAY sa pamamaril ang isang negosyante sa Maynila matapos itong tambangan sa harapan ng kayang paupahang bahay sa Brgy, 731 sa Malate, Maynila.

Kinilala ang biktimang si JOHN CARLO ESTELVER 25 taong gulang.

Batay sa mga nakasaksi kalalabas pa lamang umano ng biktima sa paupahan nitong bahay kasama ang tauhan nito at papunta sa isa pa nitong paupahan ngunit di pa man ito nakakalayo ay bigla itong binaril sa harap ng maraming tao.

Ayon sa malalapit sa biktima, maaaring may kaugnay sa negosyo nito ang pamamaslang dahil nagkuwento ito na mayroon na itong natatangap na pagbabanta.

Isa na rin ito sa angulong iniimbestigahan ng pulisya.

Duda naman ng mga kamag-anak ng biktima na pagnanakaw ang motibo nito dahil hindi kinuha ang bag nito na naglalamanng mga alahas at dalawampung libong pisong cash.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *