SUSPEK SA BRUTAL NA PAGPATAY SA CALL CENTER AGENT SA LAGUNA, ARESTADO

NADAKIP na ang suspek sa brutal na pagpatay sa isang babae sa loob ng isang motel sa Binan Laguna 10 buwan makalipas matapos magtago ang suspek at madakip ito sa Valenzuela City.

Kinilala ang suspek na si ROSCOE ALVE,36 na matagal na umanong pinaghahanap ng kapulisan.

Ayon sa report ni Biñan Police Chief Lieutenant Colonel GIOVANNI MARTINEZ, nagpapalipat-lipat umano sa iba’t-ibang lugar ang suspek sa Quezon City at Bulacan hanggang tu;uyan siyang maaaresto sa Kaypanday St. Canumay West, Valenzuela City.

Ayon sa rekord, 25 Hulyo 2020 nang umano’y patayin ng suspek ang kanyang kasintahan na si MARIA CRISANTA MAGADIA, 27, isang call center agent at vocalist ng lokal na banda sa Q18 Motel sa Brgy. Canlalay, Biñan, Laguna.

Ilang oras matapos umanong mag-check in sina Magadia at Alve, lumabas nang mag—isa sa motel ang suspek sakay ng kanyang motorsiklo. Natagpuan na lamang ng staff ng motel ang biktima na nakabitin ito gamit ang kumot.

Seen by Dyunatan at 10:29 AM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *