APAT NA NALIGO SA GUBAT SA CIUDAD, NAGPOSITIBO SA COVID 19 TEST

This image has an empty alt attribute; its file name is 183909492_930577261130252_3212690880277435552_n.jpg

KINUMPIRMA ng lokal na pamahalaan ng Caloocan City na nagpositibo ang apat sa nag-swimming sa kontrobersiyal na Gubat sa Ciudad makaraang buksan ito ng Mayo 9 na dinagsa ng mga tao.

Batay sa ulat ng pamahalaang local ng Caloocan, 43 sa mga residente na dumayo sa naturang paliguan ang isinailalim sa antigen test.

Tatlo sa mga nagpositibo ay asymptomatic. Inilipat na sa quarantine facility ang isa sa mga COVID-19 positive, samantalang pinoproseso ang tatlong iba pa. Base sa datos ng Caloocan Covid-19 Command Center, 287 residente na nagtungo sa resort, 123 ang natukoy na, samantalang pupuntahan na sa kani-kanilang mga bahay ang iba pa matapos namang hindi sumasagot sa numerong kanilang ibinigay.

Inindorso na sa Caloocan Police Station ang mga pangalan at address ng 164 pang indibidwal na hindi makontak ng pamahalaang lokal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *