FOREIGN POLICY NG PAMAHALAAN TUNGKOL SA ISYU NG WEST PHILIPPINE SEA (WPS) KINATIGAN NI DATING SENADOR JUAN PONCE ENRILE

KASABAY sa kanyang paglalahad ng ilang mahahalagang detalye tungkol sa pinagtatalunang isyu ng West Philippine Sea (SEA) partikular ang tungkol sa kahalagahan ng arbitral award na nakamit ng Pilipinas na  pilit na iginigiit na ipaglaban ng Duterte administration ayon sa mga kritiko nito, sinang-ayunan ni dating Department of National Defense (DND) Secretary at dating Senate President Juan Ponce Enrile ang kasalukuyang posisyon ng pamahalaan kaugnay sa nabanggit na mainit na isyu.

Sa kanyang pagdalo kagabi sa Talk to the People briefing ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang naunang paanyaya sa kanya ng huli noong nakaraang linggo, sinabi niya na mahalaga para sa atin ang arbitral ruling subalit wala namang kakayahan ang United Nations upang maimplementa ang international court’s decision.  

   “Sa aking paningin hindi naman nasasayang yung decision ng arbitration diyan sa bagay na yan sapagka’t nandiyan na yun eh. Sa palagay ko nakarehistro ang decision sa record ng UN.  “Palagay ko kahit may resolution ng UN yan, di mapapatupad ng UN yung resolution nila. Wala silang police force eh. Wala namang world government na kagaya ng estruktura sa ating bansa, ” pahayag ng senador.

Kasunod nito ay sinabi ni Enrile na mas makabubuti para sa Pilipinas na idaan sa diplomasya at friendly approach ang pakikipag-usap sa China tungkol sa usaping ito kaysa makipagmatigasan o makipagbarakuhan. 

“Dapat friendly ang approach natin diyan. Hindi hard, aggressive and assertive approach sapagka’t kapag hindi tayo magkakaunawa sa China ay madadamay ang interest ng ating mga kababayan ang ating ekonomiya pati na rin ang ating seguridad dito sa usapin nito,” wika pa ng dating senador.

Dahil diyan, pinayuhan din ni Enrile si Pangulong Duterte na i-ignore na lamang ang tinatanggap na mga batikos mula sa kanyang mga kritiko kaugnay sa isyu na agad namang sinang-ayunan ng pangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *