JULIA MONTES, PINATUNAYAN NA HINDI HADLANG ANG KAHIT ANO PARA MATUPAD ANG MGA NAIS NATIN SA BUHAY

Julia Montes Biography, Latest - PeoPlaid Profile and Photos

“Thank you @southville_is [emoji] Gusto ko lng po magpasalamat kay GOD sa lahat ng blessing na binibigay nya sakin na nakapag-aral po ko habang nagtatrabaho…

“thank you sa family ko , sa mga professor ko at sa lahat ng mga taong nagmamahal sakin dahil kayo po ang inspiration ko para matupad lahat ng dreams ko [emoji] thank you God [emoji]”

ito ang mensaheng ibinahagi ni Kapamilya actress Julia Montes sa kanyang personal Instagram account kalakip ang larawan ng kanyang Certificate of Recognition mula sa Southville International School and Colleges.

Matatandaang Setyembre ng nakaraang taon ipinahayag ng aktres ang kanyang pagbabalik eskwela at makuha ang kanyang bachelor’s degree in Business Administration, major in Marketing Management.

Ipinakita ni Julia na hindi hadlang ang kasalukuyang krisis na ating kinakaharap upang magsikap na kamtin ang ating pangarap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *