SUSPEK SA PAGNANAKAW PATAY SA SHOOTOUT

May be a black-and-white image of street, road and text that says 'POLICE LINE DO NOT CROSS'

UNA ay gusto kong pasalamatan si Sir Ardie Aviles, ang nagbigay sa akin ng pagkakataon para makapagsulat dito sa PINOYNEWSCHANNEL.COM at gayundin si Sir Jonathan Abubot na news editor namin dito na gumawa ng logo ng WALANG KOKONTRA na madalas na gumagawa noon ng mga logo ng kolum nina Sir Ardie at ng kanyang chief reporter na si Rudy Bonifacio.

Bilang pag-alala sa kanyang kaibigan na si Rudy na ilang taon din na naging kasangga at pinaka-close na kaibigan niya, sinabi ni Sir sa akin noon na kapag nagkaroon ng chance na makapag-kolum ako ay ang dating kolum ni Rudy B. ang ibibigay niya sa akin na siya rin na ibinigay niya kay Rudy.

Salamat din sa iba pang mg boss natin dito sa PNC kay VP Miller Achurra, kay Mr. Marianito Lumayno,Advertising Director kay Roy Dimasaca sa Editorial at kay bro Job Moreno Jr.

Ang kolum na ito ay magpapatuloy sa dating mga topic na isinusulat noon ni Rudy Bonifacio na nakapokus sa police stories at iba’t ibang isyu na may kinalaman sa serbisyo publiko.

Muli salamat po sa ating mga kasama sa PNC, mabuhay po kayo!

ooooooooooooooooOOOOOOOOOOOOOOOOooooooooooooooo

May be an image of road
No photo description available.
No photo description available.
May be an image of road

Isang malungkot at madugong wakas ang sinapit ng isang tricycle driver na diumano’y suspek sa isang kaso ng theft at dati nang naaresto noong taong 2018 sa kasong robbery hold-up at kasalukuyan din umano na under probation sa illegal drugs.

Batay sa ulat ni PCOL Rhoderick B. Ocampo, OIC PD, Nueva Ecija PPO, habang nagko-conduct ng mobile patrolling at Oplan Sita sa Brgy. Palestina, San Jose, Nueva Ecija ang mga operatiba ng San Jose CPS ay isang traysikel ang kanilang pinara para sa verification subalit ang driver nito na nakilala na si Jomar Sabado y De Luna na nakatira sa Brgy. San Isidro, Lupao Nueva Ecija ay biglang humarurot na humantong sa isang hot pursuit operation na nauwi sa shootout matapos na diumano’y namaril ang suspek sa mga humahabol na pulis.

Sa kasawiang palad ay namatay ang suspek sa nabanggit na shootout.

Narekober mula sa suspek ang mga sumusunod na ebidensiya: one (1) piece of Caliber .38 revolver; four (4) pieces of Fired Cartridge Cases for Caliber .9mm; one piece (1) sling-bag; one (1) motorized tricycle; one (1) piece of HP laptop; at one (1) piece of Secosana shoulder bag.

Nabatid na si Sabado ay suspek sa isang theft incident na ang biktima ay si Ms Sandra Barlan y Peralta, 35 years old, married, Elementary Teacher ng Abar 2nd Elementary School at residente ng Zone 6, Brgy. Abar 2nd, San Jose City, Nueva Ecija.

Ayon sa ulat, bandang alas 10:00 ng umaga noong September 17, 2021 sa Abar 2nd, Elementary School San Jose Nueva Ecija ay naagaw diumano ng suspek ang HP laptop na nagkakahalaga ng PhP26,000.00; Vivo Cellphone worth of Php15,000.00; shoulder bag containing passbook (East west); assorted IDs; and three (3) ATM Credit Cards.

“The entire Central Luzon police force is continuously keeping on its toes to eradicate all forms of criminality in the region as well as ensure the safety and security of the public,” pahayag ni PRO3 Director PBGEN VALERIANO T DE LEON . (PIO-3)

Hanggang sa muli at welcome po sa WALANG KOKONTRA!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *