OLYMPIC FLAMES NA GAGAMITIN SA BEIJING 2022 WINTER GAMES NASA CHINA NA

DUMATING na sa bansang China ang Olympic flame na simbolikong magbibigay ng init at liwanag sa Beijing 2022 Winter Games na gaganapin sa February 4 hanggang 20 sa susunod na taon.

Umaabot sa mahigit 2,900 na athletes na magmumula sa 85 National Olympic Committee ang inaasahan na lalahok dito kung saan ang China ang kauna-unahang magiging host ng Summer at Winter Games.

Ang Olympic flame ay sinindihan sa Athens at Greece bago ipinasa sa mga organizers ng Beijing Summer and Winter Games at ilalantad sa publiko pagkatapos ng welcome ceremony. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *