400,000 BOTANTE, NAKAHABOL SA PAGPAPAREHISTRO SA PINALAWIG NA VOTER’S REGISTRATION

HINDI nasayang at nagkaroon ng napakagandang resulta ang isang buwang extension ng voter’s registration matapos makahabol sa pagpaparehistro ang may 400,000 katao na nagkaroon ng pagkakataon para makaboto sa 2022 national elections.

Ayon kay Commission on Elections spokesperson James Jimenez, lumagpas ng halos 100,000 botante ang target nila na 300,000 na karagdagang registrants para isinagawang pagpapalawig ng rehistrasyon na natapos na kahapon.

Sinabi pa ni Jimenez na hindi na magkakaroon pa ng susunod na extension sa pagpaparehistro ng mga botante pagkatapos nito.

Matatandaan na nakatakda na sanang magtapos ang registration period noong katapusan ng Setyembre ngunit pinahintulutan din ng Comelec na magkaroon ng extension sa pagpaparehistro noong Oktubre 11 hanggang 30.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *