7 PATAY SA PAGSALPOK NG MINIBUS SA TRAYSIKEL AT MGA TAO SA WAITING SHED

PITO katao ang patay at mahigit sampu naman ang sugatan matapos na sumalpok ang isang minibus sa isang pampasaherong traysikel at mga tao na nakatayo sa isang waiting shed kahapon nang hapon sa Lubao, Pampanga.

Ayon sa ulat, dalawa sa anim na pasahero ng traysikel ang nasawi habang namatay din ang konduktor ng minibus at malubha namang nasugatan ang driver.

Sa panayam ng DZBB kay PLTCOL Julius Javier, chief of police ng Lubao, nagmula umano ang minibus sa Bataan at patungo na sa may San Fernando,Pampanga at naganap ang naturang aksidente sa Jose Abad Santos Avenue sa Gapan-Olongapo Road sa Barangay San Isidro.

Ayon sa pulisya. hindi naman umano aktwal na nakita ng mga witness ang pangyayari at nakarinig lamang umano sila ng isang napakalakas na ingay ng pagbangga ng minibus sa traysikel malapit sa may waiting shed.

Matapos iyon ay bumangga pa sa sementadong poste ang minibus.

Bukod sa ibang mga nasugatan na pinauwi na rin matapos na malapatan ng lunas, ilan  sa mga nasugatan ang nanatili naman na naka-confine pa rin sa pagamutan. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *