TAYTAY MAYOR JORIC GACULA, GINAWARAN NG SPECIAL RECOGNITION BILANG FINALIST SA 2021 MOST BUSINESS-FRIENDLY LOCAL GOVERNMENT UNIT AWARDS NG PCCI

GINAWARAN ng Special Recognition bilang finalist sa 2021 Most Business-Friendly Local Government Unit Awards – Municipality 1 Category ng 47th Philippine Business & Expo ang masipag na punong bayan ng Taytay na si Mayor Joric Gacula.

Si Mayor Joric na kilala bilang tagapagtaguyod ng mga maliliit o malalaki mang negosyo sa kanyang bayang nasasakupan ay paulit-ulit na pinagtitiwalaan ng mga Taytayeños dahil sa kanyang natatanging husay at determinasyon upang makatulong na mapaunlad ang iba’t ibang industriya sa bayan ng Taytay at maayos na pamamahala sa ekonomiya ng lokal na pamahalaan.

Sa kasalukuyan, ang TYANGGE SA TAYTAY ay patuloy na dinadagsa ng mga dumarayong mga negosyante at mamimili at kung matatandaan, ang negosyo ng patahian kung saan kilala ang bayan ng Taytay ay bumagsak noong kalagitnaang bahagi ng dekada 90 at unti-unting lumagong muli sa una at ikalawang termino noon ni Mayor Joric kung saan muli niyang pinasigla at sinuportahan ang industriya hanggang sa muling lumaki sa pamamagitan ng TYANGGE na ito na pinagdadalhan ngayon ng produkto ng mga Taytayeños.

Bukod pa rito, sa panahon ng kanyang termino ay umusbong at nagsulputan ang mga iba’t ibang negosyo at malalaking establisyimento kung saan nahikayat ang mga negosyante at malalaking investors na maglagay ng kanilang mga hanapbuhay sa bayan ng Taytay dahil sa unti-unti noon na pagyabong ng ekonomiya ng lokal na pamahalaan.

” Lubos na pasasalamat sa lahat ng bumubuo ng ating Pamahalaang Bayan, sa ating #DevelopmentTeam, pati na rin sa Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) para sa pagkilalang ito sa ating Taytay LGU.Patunay ito sa ating maayos na pamamahala tungo sa kaunlaran ng lokal na ekonomiya, ng mga sektor at industriya sa ating bayan. At ang paglilingkod na ito ay magpapatuloy para sa inyo, Taytayeños! ” masayang pahayag ng alkalde.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *