RIZAL, BULACAN,CAVITE ISASAILALIM SA ALERT LEVEL 3 SIMULA BUKAS HANGGANG ENERO 15

DAHIL sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon sub-Technical Working Group on Data Analytics para isailalim sa Alaert Level 3 ang mga lalawigan ng Rizal, Cavite at Bulacan.

Inanunsyo ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles na epektibo sinula bukas January 5 hanggang January 15 2022 ay sasailalim sa Alert Level 3 ang mga naturang lugar bilang pag-iingat sa pagtaas pa ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa.

Noong Enero 3 ay una nang inilagay sa Alert Level 3 ang buong Metro Manila na tatagal din ng hanggang Enero 15, 2021 dahil sa biglang paglobo ng mga kaso doon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *