NO VACCINATION, NO RIDE POLICY NAKATAKDANG IPATUPAD NG DOTR SA BUONG NCR

NO VACCINATION, NO RIDE POLICY NAKATAKDANG IPATUPAD NG DOTR SA BUONG NCR

NAKATAKDANG magpatupad ng no vaccination, no ride policy para sa mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila ang Department of Transportation (DOTr) kung saan kasalukuyan pa ring nasa ilalim ng Alert Level 3 ang buong rehiyon.

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, nag-isyu umano siya ng department order para sa pagpapatupad ng no vaccination, no ride policy habang ang National Capital Region (NCR) ay nasa Alert Level 3 o sa mas mataas pa na Alert Level system depende sa magiging kautusan mula sa IATF ukol dito.

“All concerned attached agencies and sectoral offices of DOTr are directed to ensure that operators of public transportation shall allow access or issue tickets only to ‘fully vaccinated persons’ as evidenced by a physical or digital copies of an LGU (local government unit)-issued vaccine card, or any IATF-prescribed document, with a valid government issued ID with picture and address,” saad ng nabanggit na department order ng DOTr.

Ang naturang kautusan ay magiging epektibo matapos na mailathala sa isang official Gazzete o sa anumang pahayagan na may general circulation at pagsumite ng kopya sa  Office of the National Administrative Register, U.P. Law Center.

Batay sa department order, ang sinumang tao ay maituturing na fully vaccinated kontra COVID-19 dalawang linggo matapos na maturukan ng ikalawang dose ng Moderna o Pfizer vaccines o two weeks matapos na makatanggap ng single-dose vaccine ng Johnson & Johnson.

Kamakailan ay nagbibigay na rin ng babala si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa mga galaw ng mga unvaccinated individual na aniya’;y dapat manatili na lamang sa kanilang mga tahanan kung ayaw ng mga ito na magpaturok ng COVID-19 vaccine.

Ang mga excempted naman sa kautusan ay ang mga taong hindi maaring mabakunahan kontra COVID-19 dahil sa kanyang medical conditions  subalit nangangailangan ng katibayan na may lagda at contact number ng kanyang doktor, gayundin ang mga lalabas upang bumili ng essential goods at services, tulad ng pagkain, tubig, pagtungo sa mga pagamutan at dentista na may barangay health pass at iba pang katibayan upang makalabas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *