DRUG DEN SINALAKAY, LIMA KATAO ARESTADO

May be an image of 7 people and indoor
No photo description available.

ARESTADO ang lima katao matapos mahulog sa bitag ng ikinasang drug buy-bust operation ng mga operatiba ng anti-narcotics ng PDEA Bulacan at lokal na pulisya kahapon ng hapon sa isang hinihinalang drug den sa Minuyan Proper San Jose Del Monte, Bulacan.

Batay sa isinumiteng ulat kay PDEA director general Wilkins M .Villanueva, ang naturang operasyon ay natapos dakong alas-4 :30 ng hapon kung saan naaresto ang limang suspek na kinabibilangan nina Arturo Trinos y Albuera,K 49yrs old, binata, Norilyn Mariano y Bacon, 43 yrs old, Annalyn Dupra y Bacon, 40yrs old, Roselyn Mariano y Bacon,17 yrs old, at Sanny Bernardo y Navaro, 46 anyos, may-asawa, na pawang mga residente ng Minuyan Proper, San Jose Del Monte, Bulacan.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 12 pirasong heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng 50 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang street value na Php 400,000.00; mga drug paraphernalia at buy-bust marked money.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng mga naarestong suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *