COMELEC NAGBABALA SA MGA ARTISTA AT SOC MED CELEBRITIES SA KAMPANYA

NAGBABALA ang Commission on Elections (Comelec) sa mga artista at iba pang mga social media celebrities na huwag gamitin ang kanilang programa o iba pang plataporma para ipangampanya ang kanilang pinapaborang kandidato.

Ipinahatag ni Comelec spokesperson James Jimenez na maaaring maging isyu ito dahil sa posibleng maikonsidera sa “donated advertising time” ang kanilang pag-endorso na ikakaltas sa oras ng kanilang kandidato.

Bukod sa mga programa sa telebisyon o radyo, sakop din nito ang mga social media platforms tulad ng YouTube, TikTok, Facebook at iba pa.

Nasa batas din na sa mga celebrity na tumatakbo sa halalan na kailangang mag-leave muna sila sa kanilang mga programa sa panahon ng kampanya.

Nagbibigay naman ngayon ang Comelec ng libreng ‘live streaming’ para sa ‘online political rallies’ sa mga kandidato.

Ito ay sa pamamagitan ng kanilang Campaign S.A.F.E. Comelec e-Rally Channel sa Facebook na binibigyan ng online airtime ang mga kandidato sa President, Vice President, Senator at party-list groups mula tatlo hanggang 10 minuto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *