SENIOR CITIZEN NA HINDI PA BAKUNADO TINATAYANG NASA 2.5 MILYON PA

NAGPAHAYAG ang World Health Organization na nananatili pa rin sa 2.5 milyon ang mga senior citizens na hindi nababakunahan.

Ayon kay acting WHO Philippine representative Dr. Rajendra Yadav, kahit isang dose ng bakuna laban sa COVID-19 ay hindi pa naibibigay sa sektor nito.Sa kabila nito binati ni Yadav ang Pilipinas dahil 60 milyong Pinoy na o 70% ng target na populasyon ay nakatanggap na ng bakuna.

“We congratulate the Philippine government for vaccinating over 60 million people so far, at least 70% of the eligible population, over 12 years old. So that is really good,” ani Yadav.

Bagama’t mayroon pa rin aniyang mga senior citizens ang hindi nababakunahan at mahalagang mailigtas ang kanilang buhay ngayong pandemic.Nangangamba si Yadav na malalagay sa panganib ang buhay ng mga senior citizens na wala pang bakuna dahil mas marami na ang pinapayagang lumabas at kakaunti na ang mga restrictions.

Kabilang aniya sa mga lugar na marami pang senior citizens ang hindi nababakunahan sa Cebu, Negros Occidental, Batangas, Cavite at Bulacan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *