IKA-7 SUNOD NA OIL PRICE HIKE NGAYONG ARAW

NAKA-AMBANG na naman ang muling pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo simula bukas.Ito na ang ika-7 sunod na linggong walang humpay na oil price hike.Ang Chevron Philippines ay magpapatupad ng dagdag-presyo sa halagang P1.20 sa kada litro ng gasolina, P1.05 kada litro ng diesel at P0.65 sentimo kada litro ng kerosene epektibo alas -12:01 ng madaling araw ng Pebrero 15.

Ang Petron Corporation at Pilipinas Shell at independent player na Seaoil Philippines ay alas 6:00 naman ng umaga ng Martes ang simula ng pagpapatupad ng bagong dagdag presyo.Gayundin ang Thai-led PTT Philippines, Phoenix Petroleum, Total Philippines, Unioil Philippines at Petro Gazz na alas-6:00 din ng umaga sa kanilang produktong gasolina at diesel sa parehong dagdag na presyo habang ang Clean Fuel ay pagsapit pa ng alas-4:01 ng hapon.

Epekto umano ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis ang malawakang kaguluhan sa Kazakhstan at Libya, dalawang pangunahing producer ng langis, dahilan pagkagambala sa suplay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *