PPCRV NABABAHALA NA SA MGA ULAT NA ‘VOTE-BUYING’

NABABAHALA na ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa mga natatanggap na mga ulat na nag-umpisa na umano ang ‘vote buying’ ng mga kandidato para sa darating na halalan sa Mayo 9.

Sa pahayag ni PPCRV chairperson Myla Villanueva na mas malalaking halaga umano ngayon ang inaalok ng mga kandidato o galamay nila para makatiyak ng panalo sa eleksyon.

“We hear a lot of issues about vote-buying and it’s very difficult for PPCRV alone to catch that and report it. I think it should be a natinal effort but we’re hearing a lot of big numbers being offered to people and families,” ayon kay Villanueva.

Sinabi pa niya na hindi na ito mababantayan ng kanilang mga volunteers dahil nangyayari ang mga bentahan ng boto sa labas ng mga presinto.

Nanawagan din si Villanueva ng dagdag na mga volunteers buhat sa publiko upang masakop ang maraming mga presinto sa buong bansa.

Inamin niya na kakaiba at mas mahirap ngayon ang sitwasyon sa darating na eleksyon dahil sa pandemya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *