BARANGAY GINEBRA, WAGI KONTRA RAIN OR SHINE

Barangay Ginebra takes down Rain or Shine to end elims with win | GMA News  Online
PBA: Vintage Jeff Chan shows up at right time for Ginebra | Inquirer Sports

ITINARAK ng Barangay Ginebra ang pinakamahalagang mga pangitil na puntos mula sa gitnang bahagi ng fourth quarter at iniwan ang Rain or Shine matapos habulin ang anim na puntos na kalamangan upang makuha ang kanilang ikaanim na panalo, 104-93 sa pagpapatuloy ng PBA Governors Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Matapos ang mala-bulldozer na pananagasa ng Gins sa first half na tinampukan ng hindi mapigil na pagpuntos ni Christian Hardinger na nakapaglista ng 13 puntos at 4 rebounds ay tinapos ng Barangay ang second quarter ng may 11 puntos na abante.

Naging mainit naman ang pagsisimula ng Rain Or Shine sa third quarter at nagawang maibaba agad ang kalamangan ng Ginebra sa apat na puntos, 50-46 sa pagbubukas pa lamang ng yugto.

Nagpatuloy ang ROS sa kanilang mainit na opensa at ang pagsasanib puwersa nina Henry Walker, Beau Belga at ng rookie na si Mike Nieto sa pagpapalitan nila sa pagpukol ng 3-point shots ang nagbigay sa kanila ng kalamangan 72-70 may 1:48 pa sa yugto.

Tinapos ng Elasto Painters ang Third quarter ng may apat na puntos na agwat, 77-73.

Sa pagpasok ng fourth quarter ay nanatiling nakabuntot lamang ang Ginebra sa Rain Or Shine at nagpatuloy lamang sina Justin Brownlee, Scottie Thompson at Peter Aguilar sa pagsabay kay Walker sa pag-iskor.

Mula sa 89-83, pabor sa ROS, nagbaba ng 14-0 run ang Barangay Ginebra upang maagaw ang kalamangan at matambakan ang una sa 98-89.

Tinanghal na best player of the game si Jeff Chan na may nagawang 15 points at 6 rebounds.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *