MEDICAL MISSION NG TEAM LIPAD NG PAGBABAGO, NAGING MATAGUMPAY

No description available.
No description available.
No description available.
No description available.

MATAGUMPAY na naisagawa ang paglulunsad ng unang bahagi ng Medical Mission na inorganisa ng TEAM LIPAD NG PAGBABAGO sa pangunguna ng mayoral candidate na si NERIO IGNACIO at katambal niya na tumatakbo namang vice mayor na si ORLANDO CALIMLIM na idinaos San Quintin Plaza, San Quintin, Pangasinan.

Ang nabanggit na medical mission kung saan ay nakaalalay din at personal na sumuporta sa event ang mga kandidatong konsehal ng naturang partido na sina FARAH LEE LUMAHAN, JOHN VALIENTE at NOLLIE VICTORIO ay sinimulan ng alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon na dinagsa at dinaluhan ng halos may limang libong residente ng naturang bayan na nagmula sa may 21 barangay.

Bukod sa libreng check-up at pamamahagi ng mga gamot sa mga mamamayan ng San quintin ay nagkaroon din ng libreng salamin, libreng bunot ng ngipin at kumpletong urinary laboratory test, blood count or CBC, urinalysis at iba pa sa tulong ng mga doktor at private individuals na nagsama-sama para sa makabuluhang misyon na ito.

Namahagi rin ng mga libreng gamot na kumpleto para sa mga senior citizen at para sa mga bata.

No description available.
No description available.
No description available.

Lubos naman ang pasasalamat ng buong TEAM LIPAD NG PAGBABAGO sa EL CORAZON DE JESUS DIOGNASTIC AND MEDICAL CLINIC na pag-aari ni DRA GILDA V. MEDENILLA gayundin sa mga doktor na nagboluntaryo na tumulong sa event kabilang sina DRA. CHERRY A. CHAN DRA. NANCY M. AQUINO DRA. JASMINE C. REPAS DRA. LORNA ABAD, DR. CHRIO NORMANDO A. STA ANA, DR. ARTHUR ODCHIQUE, DR. ROLAND B. FONACIER, DR. DIOSDADO S. PAULE at DR. ROFIL M. CHAVEZ.

No description available.
No description available.
No description available.
No description available.
No description available.
No description available.
No description available.

Dahil sa dami ng mga taong nagsidalo ay kulang ang isang buong araw upang sila ay maasistihan at matulungan sa kanilang mga problemang pangkalusugan kung kaya’t muling nagtakda ang team ng isa pang medical mission na isasagawa naman sa darating na Marso 20, 2022 sa ibang lugar sa bayan ng San Quintin.

Matatandaan na kamakailan ay naging usap-usapan sa umpukan ng ilang magsasaka sa Barangay Alac ang pag-angal nila dahil sa diumano’y hindi nila natatanggap na tulong para sa kanila gaya ng fertilizer at ayuda na umano’y pinipili ang binibigyan ng kanilang mayor at kapitana.

Ang TEAM LIPAD NG PAGBABAGO ay inaaasahang magpapatuloy sa pagsasagawa ng magkakasunod pang mga medical mission sa mga susunod na buwan.

EPAL-LITIKO!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *