JABS WELL DONE, TAYTAY!

JABS WELL DONE, TAYTAY!

DAHIL sa seryoso at aktibong pakikilahok sa malawakang bakunahan na sinamahan pa ng iba’t ibang mga pamamaraan o gimik upang mahimok na magpabakuna kontra COVID-19 ang mga Taytaye├▒os, masayang inihayag ni Taytay Mayor Joric Gacula ang pagtanggap ng dalawang pagkilala ng Pamahalaang Bayan ng Taytay mula sa Department of Health (DOH) bilang Municipality with Highest Jabs during the National Vaccination day 1 and 2 na isinagawa noong nakaraang taon.

Pinasalamatan din ni Mayor Gacula ang mga masisipag at walang pagod sa pagsesrbisyo na mga healthcare workers, frontliners, vaccination team at ang mga residente ng bayan ng Taytay na nakibahagi at nakiisa sa vaccination program ng Pamahalaang Bayan.

” Bunga ng ating aktibong pakikilahok sa malawakang bakunahan sa ating bansa, ikinakulugod ko pong iparating sa inyo na tayo ay nakatanggap ng dalawang (2) pagkilala mula sa Department of Health (DOH), bilang Municipality with Highest Jabs during the National Vaccination Day 1 and 2 noong nakaraang taon.Hindi natin makakamit ang lahat ng ito kundi dahil sa ating mga masisipag na healthcare workers, frontliners, at vaccination team, lalong higit sa ating mga kababayan na patuloy na nakikibahagi at nakiiisa sa ating vaccination program, ” pahayag ni Mayor Gacula.

Matatandaan na hinangaan ang mabilis at maayos na pagsasagawa ng bakunahan sa iba’t ibang vaccination sites sa buong bayan kabilang na ang pagdayo ng vaccination team sa mga residential areas upang ilapit at ihatid sa kanilang mga kababayan ang mas komportable at ligtas na bakunahan.

Upang mas dumami at madagdagan ang mga residente na mabakunahan ay mismong ang vaccination team ang dumadayo sa mga lugar kung saan may sapat na bilang ng mga taong nais na maturukan ng bakuna kung kaya’t hindi na sila kailangan pang makihalo sa mahahabang pila at hindi na rin sila aalis sa kanilang mga tahanan.

Isang kapaki-pakinabang na ideya na nagresulta sa napakabilis na proseso ng bakunahan na nagbunga ng pagkilala at karangalan.

” Mula sa Pamahalaang Bayan ng Taytay at sa lahat ng mga Taytaye├▒os, maraming salamat po Department of Health sa pagkilalang ito! Tuloy ang ating pagbabayanihan at pagtangkilik sa mga programa tungo sa ligtas na new normal! ” pagtatapos ni Mayor Gacula.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *