JALEN GREEN, BUMIDA SA PANALO NG ROCKETS KONTRA LAKERS SA OT

SUMAKAY sa mainit na mga kamay ng Fil-Am NBA player na si Jalen Green ang Houston Rockets at pinadapa ang Los Angeles Lakers ni Lebron James, 139-130 sa overtime sa isang napakahigpit at maaksyong bakbakan.

Matapos ang gitgitang pagpapalitan ng kalamangan ng Lakers at Rockets sa fourth quarter na nagtapos sa 120-all, naglaglag ng 7 magkakasunod na puntos si Green sa pagbubukas ng five minute extension at hindi na nilingon pa ang dumayong tropa ni Lebron na natambakan pa ng umabot sa 13 puntos, 133-120, 2:38 pa sa overtime.

Nagtala si Green ng season-high na 32 points habang parehong nag-ambag ng tig-21 points ang kapwa rookie niya na sina Alperen Sengun at Josh Christopher samantalang si Kenyon Martin Jr. ay may nailistang 17 points at 11 rebounds.

Pinangunahan ni Lebron ang Lakers sa naitalang triple-double na 23 points, 14 rebounds at 12 assists.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *