JULIA B. IBINAHAGI SA INSTAGRAM ANG KANYANG HOT NA LARAWAN

NANGGULAT sa pamamagitan ng isang daring na pictorial ang aktres at birthday girl na si Julia Barretto kung saan nag-pose siya na nakahubad at tanging silver sheen lamang ang bumabalot sa kanyang buong katawan.

Si Julia na nag-celebrate ng kanyang ika-25 kaarawan kahapon, March 10 ay nagbahagi sa kanyang Instagram ng kahanga-hangang larawan na kuha ng mahusay na photgrapher na si BJ Pascual na may simpleng caption na “25”.

Isa pang picture kung saan ay nakasuot siya ng silver bodysuit na may nakasulat na ” Silver Year ” na sumisimbolo sa kulay ng silver sa kanyang ika-25 birthday.

Ilan sa mga bumati kay Julia ay ang kanyang boyfriend na si Gerald Anderson na nagdiwang din ng kanyang ika-33 kaarawan noong March 7.

” This day in 1997 God sent us an Angel, ” saad ng pagbati ni Gerald. ” Happy Birthday Baby. “

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *