ISA PANG TAGUMPAY NA OPERASYON

ISA PANG TAGUMPAY NA OPERASYON

May be an image of 10 people and people standing

NAIS natin bigyang pansin ang matagumpay na pagkakaaresto kamakailan ng tatlong pinaghihinalaang tulak ng iligal na droga na nahulihan ng hinihinalang shabu at isang baril.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Melvin Bamba alyas Bondat, 44-anyos; Joel Parago, 43-anyos at Gemma Importante, 46-anyos na mga residente ng Brgy. Greater Fairview, Quezon City.

Naaresto ang tatlo matapos na masukol sa ikinasang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Fairview Police Station (PS5) sa pamumuno ni PLtCol Joewie Lucas na nagresulta sa pagkakumpiska sa tinatayang 50 gramo ng hinihinalang shabu na umaabot ang halaga sa P340,000, caliber. 32 revolber na may 6 na bala,buy-bust money at isang cellphone na ginagamit umano sa transaksyon ng mga ito.

Ang naturang operasyon ay isinagawa dakong ala-una ng madaling araw sa kahabaan ng Lilac St. Barangay Greater Fairview, Quezon City matapos ibigay ng isang confidential informant ang impormasyon ukol sa iligal na gawain ng mga suspek.

Nakumpiska samga suspek ang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php340,000.00, buy-bust money, isang caliber .32 revolver na may anim na bala, at isang selpon na ginamit sa transaksyon.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 at hiwalay na kaso ang ihahain naman laban kay Bamba dahil sa paglabag sa R.A. 10591 or the Comprehensive Law on Firearms and Ammunition na may kaugnayan sa COMELEC Resolution No. 10728 dahil sa pagdadala nito ng baril sa panahon ng Election Gun Ban.

Isang mainit na pagbati ng papuri ang ipinarating ni Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGEN Remus B Medina sa matapang at maayos na trabaho ng kanilang mga tauhan sa QCPD at gayundin mula kay PMGEN Felipe R Natividad, ang Regional Director ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

00000oooooo00000ooooo

Abangan sa susunod ang tungkol sa iligal na operasyon ng pergalan diyan sa Mamatid at Marinig sa Cabuyao, Laguna.

Ipinagmamalaki ng mga poste na sina Onad sa Mamatid at may-ari na si Junel sa Marinig na hindi sila kayang gibain ng kahit sino dahil malakas daw sila sa hepe at kapitan.

Sige nga, tingnan natin…hanggang sa susunod na labas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *