SASAILALIM sa Alert Level 1 ang National Capital region (NCR) at 47 iba pang mga lugar sa bansa simula Marso 16 hanggang 31.
Ito ay matapos inanunsyo ngayon ni acting presidential spokesman Martin Andanar na inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pagsasailalim sa Alert Level 1 ng Metro Manila at sa iba’t ibang lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Ilan sa mga lugar sa Luzon na inilagay sa Alert Level 1 ay ang mga sumusunod:
Abra, Apayao, Baguio City at Kalinga sa Cordillera Administrative Region; Dagupan City, Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union at Pangasinan sa Region 1; City of Santiago, Cagayan, Batanes, Isabela at Quirino sa Region 2; Zambalez, Tarlac, Olongapo City, Pampanga, Nueva Ecija, Angeles City, Aurora, Bulacan at Bataan sa Region 3; Laguna, Batangas, Cavite Lucena City sa Region IV-A; Puerto Princesa City Romblon at Marinduque sa Region IV-B; Catanduanes at Naga City sa Region 5.
Alert Level 1 na rin sa ilang lugar sa Visayas tulad ng Bacolod City, Capiz, Aklan, Guimaras, Iloilo City sa Region 6; Cebu City at Siquijor sa Region 7; Tacloban City, Ormoc City at Biliran sa Region 8.
Alert Level na rin sa Zamboanga City, Cagayan De Oro City, Camiguin, Davao City at Butuan City sa Mindanao
Ang mga lugar na wala sa listahan ay sasailalim sa Alert Level 2 mula Marso 16 hanggang 31.