ANA JALANDONI NA-RESCUE NG MGA PULIS MATAPOS NA DIUMANO’Y SAKTAN NG BF NA SI KIT

“Please help me! Please call police!!! Keith is killing me. Please please help me,” nagmamakaawang mensahe ni Ana Jalandoni sa mga kaibigan kalakip ang larawan matapos diumanong saktan ito ng kasintahang si Kit Thompson.

Sa isang panayam ng PEP.ph sa isang kawani ng Tagaytay City Police, nakatanggap umano sila ng tawag sa 911 na may isang sugatang babae at humihingi ng tulong dakong 6:29 ng umaga.

Naging mabilis ang naging responde ng Tagaytay Police at dito nila napag-alaman na ang biktima ay ang artistang si Ana Jalandoni.


Agad na dinala ang aktres sa Tagaytay Medical Center upang lapatan ng lunas.

Sa kabilang banda dinala sa istasyon ng pulisya ang aktor na si Kit upang imbestigahan.


Ang nabanggit na insidente ay nangyari sa Amega Hotel sa Km. 54, Emilio Aguinaldo Highway, Silang Junction South, Tagaytay City. – Archair Mendoza

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *