BBM-SARA UNITEAM NAMAYAGPAG MULI SA PUBLICUS ASIA SURVEY

BBM-SARA UNITEAM NAMAYAGPAG MULI SA PUBLICUS ASIA SURVEY

NAPANATILI nina presidential candidate Ferdinand ” Bongbong ” Marcos Jr. at kanyang running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang kanilang pangunguna sa pinakahuling survey na isinagawa ng Publicus Asia sa buwan ng Marso. 

Sa naturang survey na isinagawa sa pagitan ng Marso 9 hanggang 14 ay namayagpag si Marcos Jr. sa nakuha niyang 55.1 % na lubhang napakalayo na ng agwat sa sumesegundang si Vice President Leni Robredo na may nakuhang 21 percent mula sa mga respondent na sinusundan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na may 8.2 percent, Sen Panfilo ” Ping ” Lacson na may 4.2 at Senator Manny Pacquiao na may 1.8 percent.

Ayon pa sa Publicus Asia, bagama’t maliit lamang ang lamang ni Marcos kay Robredo sa Southern Luzon, naiwan naman ng dating senador ang kaisa-isang babaeng presidentiable sa National Capital Region (NCR) at iniwan ng napakalaking agwat sa Mindanao habang si BBM pa rin ang angat sa iba’t ibang rehiyon. 

Si Marcos ay umani ng suporta mula sa 48.9 % ng mga respondent sa Metro Manila,19.5 % sa  Northern at Central Luzon, 44.5 percent sa Southern Luzon, 52.7 sa Visayas at  67.3 sa Mindanao habang si Robredo ay nakakuha lamang ng  28.3 %, 19.5 %, 30.5 %, 19.1 % at 10.2 % sa NCR, NCL, Southern Luzon,Visayas at Mindanao.

Samantala inilampaso naman ni Mayor Sara ang kanyang mga katunggali sa karera para sa bise presidente sa naturang survey kung saan nakakuha siya ng suporta ng 56.5 porsyento ng mga respondent habang ang pinakamalapit niyang kasunod ay si Sen. Kiko Pangilinan na mayroon lamang nakuhang 12.8 percent, may 10.6 percent si Doc Willie Ong at 9.9 % kay Senate President Vicente “Tito ” Sotto. 

Si Mayor Inday Sara ay lamang ng malaki sa kanyang pinakamalapit na karibal sa vice presidential race sa lahat ng rehiyon sa nabanggit na survey kung saan 75 % ang kanyang naging agwat sa Mindanao, 44 % sa Visayas at 42 percent sa Northern at Central Luzon.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *